Dagupan City – Itataas ang singil sa kuryente ng CENPELCO sa Abril, ayon sa ulat ng pamunuan ng Central Pangasinan Electric Cooperative.

Bagama’t hindi pa tiyak ang eksaktong halaga, tinutukoy ng kooperatiba na posibleng umabot hanggang 4 pesos kada kilowatt-hour ang dagdag, partikular sa bahagi ng bill na nakabatay sa generation cost at sa mga adjustments sa fuel cost ng kanilang mga planta.

Ayon sa kooperatiba, ang pagtaas ay nakadepende sa mga gastusin sa operasyon ng mga generating plants, ngunit hindi direktang naapektuhan ng presyo ng coal, kaya inaasahan nilang hindi magiging labis ang dagdag sa singil.

--Ads--

Mainit na panahon umano ang nagdudulot ng mas mataas na demand sa kuryente, dahilan upang mahikayat ang mga consumer na maging mas maingat sa paggamit ng enerhiya.

Pinapaalalahanan ng CENPELCO ang lahat ng kanilang miyembro na planuhin ang kanilang konsumo at magpatupad ng simpleng tipid measures sa bahay, tulad ng paggamit ng enerhiya-efficient na appliances at pag-iwas sa sabay-sabay na paggamit ng mataas na kuryenteng kagamitan.