Nagsasagawa ng masusing inspection at checking ang mga tauhan ng Central Electric Cooperative upang matanggal ang mga illegal connection sa mga streetlights.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rizalinda Reyes, spokesperson ng CENPELCO, maraming klase ng pagnanakaw ng kuryente, gaya ng pagnanakaw ng materyales sa mga linya, pagsasagawa ng direct tapping na walang pahintulot ng mga distribution utilitities, pag ja- jumper at pagkalikot sa metro para hindi gumana ng tama, humina ang metro o mabawasan ang konsumo.
Ibig sabihin, hindi ito nasisingil ng tama, at itinuturing itong pagnanakaw ng kuryente.
Sinabi ni Reyes na ang dahilan kaya may mga gumagawa nito ay hindi lang dahil sa kahirapan at hindi kayang bayaran ang serbisyo kundi maaring impluwensya ng iba dahil ginagawa ito ng iba at hindi sila nahuhuli.
Dahil dito hinimok niya ang publiko na isumbong sa CENPELCO kung may makita sila na gumagawa ng illegal na gawain para masugpo sa lalong madaling panahon.