Sinorpresa ni Celine Dion ang pagbubukas ng Paris Fashion Week.
Kinanta nito ang sikat na awitin niyang “I’m Alive” na sumikat noong 2002.
Isinagawa nito ang nasabing pagkanta habang nasa ilalim ng sikat na Eiffel Tower.
--Ads--
Matapos ang kaniyang pagkanta ay naglakad ito sa runway.
Magugunitang na-diagnosed ang Canadian singer ng rare neurological disease na tinatawag na stiff person syndrome noong 2022 kaya itinigil nito ang pagsasagawa ng mga show.
Huling nagsagawa ng concert si Dion ay noong 2020 sa New Jersey subalit ngayong taon ay sinimulan nito ang mga performance sa Paris.










