Hindi susukuan ng Estados Unidos ang maisakatuparan ang tigil-putukan sa Gaza, pagpapalaya ng mga hostage, at pagtanggal ng kapangyarihan sa Hamas.
Ayon kay US President Joe Biden na makikipagtulungan pa sila sa iba pang rehiyon partikular na sa Turkey, Egypt, Qatar, at Israel upang mangyari ito.
Inilabas niya naman ang pahayag na ito ilang oras lamang matapos ang kasunduang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon.
Umaasa naman ang Hamas na magkakaroon din ng parehong kasunduan sa Gaza ngunit, patuloy din nilang tinatanggihan ang kagustuhan ng Israel para makamtan ito, ang pagsuko ng kanilang grupo.
Simula nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas, umabot na sa higit 44,000 ang bilang ng mga nasasawi habang higit 104,000 ang sugatan sa Gaza.