BOMBO DAGUPAN- Tila isang ilusyon na lamang para sa Hamas ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Gaza.

Anila, walang progresong nagaganap at para bang nanloloko lamang ang mga mediators.

Gayunpaman, matapos ang pakikipag-usap ng Estados Unidos sa Qatar, naniniwala si US President Joe Biden na malapit na makamit ang nasabing ceasefire deal.

--Ads--

Ikinalugod naman ng Israel ang ipinapakitang pagsisikap ng US at ng mga mediator upang pigilan ang Hamas sa pagtutol nito sa hostage release deal.