DAGUPAN CITY- Wala pa rin umanong katiyakan na buong magtitiwala ang Israel sa napag-usapang ceasefire at pagpapalaya ng mga hostage sa pagitan nito at Hamas sa Gaza.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Corresponent sa bansang Israel, lalong pang hinigpitan ang seguridad sa loob at labas ng Israel upang maiwasan ang anumang sigalot.
Aniya, wala rin kase katiyakan kung talagang titigil din ang kabilang kampo sa pagpapalipad ng rockets.
Gayunpaman, kanilang hinihiling na mapagtagumpayan ito upang magkaroon an ng katahimikan at kapayapaan sa pagitan ng dalawang kampo.
Subalit, karamihan pa rin ay hindi ito ikinatutuwa at walang katiyakan kung buhay pa rin ang mga bihag na nakatakdang papalayain.
Kaugnay nito, nakatakdang magpapalaya ng 33 hostages ang Hamas habang 100 naman sa Israel.
At sa ngayon, wala pa umanong inilalabas na balita kaugnay sa magiging siste sa pagpapalaya.