DAGUPAN CITY- Patuloy na nakaalerto at nakaantabay ang City Disaster Risk Reduction Mangement Office (CDRRMO) at Public Alert Response and Monitoring Cluster sa mga sitwasyon na nararanasan sa lungsod ng Dagupan lalong Lalo na sa mga low lying areas na lubos sa baha.

Ayon kay Michael Joe Caguioa, Early Warning Operations Officer ng CDRRMO Dagupan, na patuloy ang kanilang monitoring at pagpapatrolya dahil marami pa rin ang inililikas sa tuloy tuloy na pagtaas ng tubig kaya naman wala silang tigil sa pag-iikot upang matulungan at mabigyan ng abiso ang mga residente sa syudad.

Aniya na ang mga lugar na lubog sa baha o lubhang apektado ang Brgy. Lasip Chico, pogo grande, mauled at iba pa.

--Ads--

Binuksan na rin ng lahat ng mga schools at evacuation center para sa mga evacuees.

Samantala ayon naman kay Melykhen R. Bauzon, Administrative Assistant II – Public Alert Response and Monitoring Cluster, pinaalalahanan ngayon ang mga publiko lalong Lalo na ang mga residente na nakatira malapit sa baybayin at mga river system ukol sa posibleng maranasan na storm surge na may taas na 1-2 meters.

Kaya naman pinalilikas na ang mga residente upang maging ligtas at maiwasan ang mga insidente na maaring maitala dahil sa bagyong emong kung saan asahan mamayang alas dos ng hapon ang pagtama nito sa west part ng Dagupan.

Aasahan pa anya ang high tide ang linggo na isang dahilan sa patuloy na pagtaas ng tubig.