Nakumpleto na ni Catherine, Prinsesa ng Wales, ang kanyang chemotherapy treatment.

Si Kate, 42 anyos, asawa ng tagapagmana ng trono ng Britanya na si Prinsipe William ay bumalik sa trabaho sa pamamagitan ng pangangasiwa ng isang pulong sa Windsor Castle.

Ang Prinsesa ng Wales, Katuwang na Patron ng Royal Foundation ng Prinsipe at Prinsesa ng Wales, ay nagdaos ng Early Years Meeting sa Windsor Castle.

--Ads--

Ibinahagi ni Kate ang balita tungkol sa kanyang kalusugan at kinumpirmang ginagawa ang lahat ng makakaya upang gumaling sa sakit.

Sa isang personal na video message, sinabi ng prinsesa na hangad nitong bumalik sa trabaho at magsagawa ng ilang pampublikong aktibidad sa mga susunod na buwan kapag kaya na niya.