DAGUPAN CITY- Makakatanggap ng kauna-unahang Outstanding Sports Hero trophy si Carlos Yulo, ang dalawang beses na gold medalist sa gymnastics mula sa Paris Olympics, sa ikalawang Pacquiao-Elorde Awards Night.

Ang dating eight-division world boxing champion na si Manny Pacquiao ang nagmungkahi na palawakin ang mga parangal sa ibang sports, na nagsimula noong unang awards night noong nakaraang taon.

Magbibigay din ng isang inspirational na mensahe si Pacquiao sa programa.

--Ads--

Kikilalarin rin sa seremonya ang mga boxers ng taon na sina WBC minimumweight champion Melvin Jerusalem at IBF minimumweight titleholder Pedro Taduran.

Samantala, ang WBA atomweight queen na si Norj Guro, mula sa Lanao del Norte, ay mangunguna sa mga parangal para sa 23 international at regional champions. Six na Philippine champions din ang bibigyan ng pagkilala.