Dagupan City – Isang makasaysayan ang bitbit na hindi lang isa kundi dalawang gintong medalya ang nakamit ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.

Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, marahil ay naging warm-up ni Yulo ang kaniyang mga naunang pagsalang, at nito lamang sabado ay tuluyan na nitong nakamit ang unang medalya sa Pilipinas sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics sa men’s final floor exercise.

Dahil dito, nakikita aniya ng karamihan na malaki ang naging impact nito sa determinasyon ni Yulo para mas mabiooost at mas galingan ang kaniyang ipinakitang performance na makamit ang ikalawang ginto.

--Ads--

Kaugnay dito, saludo naman aniya siya sa coach ni Yulo sa paghubog ng kakayahan ng manlalaro at sa suportang ibinigay nito.

Sa ipinakitang performance ni Yulo, nangibabaw siya sa kaniyang nakuhang score na 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14,800 naman mula sa ikalawang jump.

Si Yulo ang kauna-unahang atleta na naitala sa kasaysayan na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.

Samantala, pasok na semifinals round si Pinay boxer Nesthy Petecio matapos talunin si Zichun Xu ng China sa quarterfinals ng women’s 57 kgs. boxing ng 2024 Paris Olympics.