Dagupan City – Opisyal nang ikinasal ang magkasintahang Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ayon sa ulat, idinaos ang “secret wedding” nina Carlo at Charlie ngayong Linggo (June 9, 2024) sa garden ng isang private resort sa Silang, Cavite.

Dinaluhan naman ito ng kanilang mga kapwa actor at actress kung saan ay maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

--Ads--

Si Loisa Andalio naman ang naging candle bearer ng mga ito, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.

Bago naman naganap ang kasal, nagawaran pa ng award ang actress na si Charlie Dizon bilang best actress sa 47th Gawad Urian.