DAGUPAN CITY–Malaki umanong setback sa buhay ng doktor na nag viral ang video habang minumura ang driver ng isang L300 van ang kaniyang ginawa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Carlo Marco Orduña kilalang anesthesiologist dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pangyayari na kumalat na ang naturang video, hindi lamang ang career ni Dr Tomas Mendez ang maaring maapektuhan kundi maging ang kaniyang pamilya lalot marami ang nakapanood ng insedente.

Dr. Carlo Marco Orduña, anesthesiologist

Dapat aniyang maging handa ang naturang doktor sa lahat ng posibleng mangyari .

--Ads--

Paliwanag pa ni Orduna na maaring magsampa ng ethics complain ang lalaking minura nito sa Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association na siyang aaksyon sa pagkakasangkot ng doktor sa road rage.

Dr. Carlo Marco Orduña, anesthesiologist

Kawawa rin dito aniya ang sinigawang lalaki dahil hindi nito “deserve” ang ginawa sakaniya ng naturang doktor.