Inihayag ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagsasakatuparan sa planong pagpapatayo ng pinakamagandang kapitolyo sa bansa sa isasagawang renovation nito sa ikalawang quarter ng taong 2023

Ayon kay Vice Governor Mark Lambino na nakalaan na ang nasa isandaang milyong pisong pondo para sa pagsasaayos rito na sinuportahan ni Senador Alan Cayetano.

Sa pamamagitan aniya ito ay makapanghihikayat ito ng mga turista at magpapalakas sa torusim industry ng probinsya.

--Ads--

Tinitiyak din umano ni Gov. Ramon Guico III na hindi maaantala ang anumang mga serbisyong inilalaan ng Provincial Government sa oras na magsimula na ang pagsasaayos sa naturang capitol complex.

Bukod pa rito aniya ay nakalatag na rin ang mga plano para sa mga isasagawang developments sa Barangay Estanza sa bayan ng Lingayen.

Ito aniya ay kahalintulad sa isinaad ng namayapang pangulong si Fidel Ramos na mga lugar na may potensyal bilang isang eco-tourism area.

Dagdag pa nito na marami pang mga nakaambang proyekto para sa probinsya kabilang na ang Pangasinan East-West Expressway at ang pagpapalakas sa usapin pang agrikultural ng iba’t ibang bayan tulad ng kasalukuyang isinasagawa sa bayan ng Mangatarem.

TINIG NI VICE GOV. MARK LAMBINO

Patuloy din umano ang pagpapalakas sa ekonomiya ng bayan ng Bayambang na kanila ring gagawin sa iba pang mga lugar sa probinsya.

Kaugnay din nito ay malaki naman ang pasasalamat nito kay Sen Cayetano gayundin sa kapatid nitong si Senadora Pia Cayetano sa pagbibigay tulong sa probinsya matapos na ibaba sa Pangasinan ang ilang mga social services fund kabilang rito ang scholarship programs, transportation services at iba pang mga proyektong nakakatulong sa bawat Pangasinense.