Dagupan City – Malaking tulong sa mga residente ang 300-metrong canal lining project sa Barangay San Rafael Centro sa bayan ng San Nicolas.
Inisyatiba ito ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang matagal nang problema sa pagbaha dulot ng hindi maayos na drainage system at pagbara ng basura sa mga kanal.
Inaasahang maiiwasan nito ang pagbaha lalo na sa panahon ng malakas na ulan.
Magdudulot ng pag-asa sa mga residente ang proyektong ito na matagal nang nahihirapan dahil sa mahinang daluyan ng tubig-ulan.
Samantala, personal na ininspeksyon ng alkalde, kasama ang barangay captain, ang natapos nang proyekto.
Nagpasalamat ang barangay captain sa mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng kanilang komunidad.
Patunay ito ng matagumpay na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ng San Rafael Centro, at inaasahang magpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga residente.