DAGUPAN CITY- Opisyal nang nagbitiw si Canadian Prime Minister Justin Trudeau bilang lider ng Liberal Party matapos ang halos 10 taon sa puwesto bilang Punong Ministro.

Sa isang press conference sa Ottawa, sinabi ni Trudeau na mananatili siya sa pwesto bilang Punong Ministro hanggang mapili ang bagong lider ng partido.

Ang kanyang pagbibitiw ay nag-ugat mula sa tumitinding pressure mula sa kanyang partido at iba’t ibang sektor.

--Ads--

Lumakas ang demand sa pagbibitiw ni Trudeau noong Disyembre, kasunod ng pag-atras ng kanyang Ministro ng Pananalapi, na nagdulot ng malaking epekto sa gobyerno.

Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Trudeau na mula nang maging punong ministro noong 2015, nagsikap siya para sa kapakanan ng Canada at mga mamamayan nito.

Matatandaang tinutukan niyang palakasin ang gitnang uri at magsanib-puwersa ang bansa, lalo na sa panahon ng pandemya.