Mananatiling matatag ang Canadian government at ang mga oportunidad sa trabaho ay hindi maapektuhan ito ay sa kabila ng inaasahang pagpapataw ng kanilang gobyerno ng isang araw na USA Retailer blockout sa Pebrero 28.

Kung saan sakaling mangyari ito ay maaaring malaking lugi ito sa mga USA Retailer Company.

Ayon kay Ruth Marie Magalong – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa na magiging isa itong oportunidad para sa investment gayundin ang kompetisyon sa world market.

--Ads--

Aniya na ang canadian government ay hinihikayat na ipatronize ang sarili nilang mga produkto na siyang nagpapakita naman ng pagkakaisa sa kanilang bansa.

Inihayag naman nito na ang mga malalaking grocery store ngayon sakanila ay kakaunti na lamang ang mga bumibili.

Subalit sakali mang matuloy ang USA Retailer blockout na ito ay magkakaroon ng unavailability ng ibang mga produkto gaya na lamang ng ilang mga prutas, gatas, mga pharmaceutical goods gayudnin ang mga electronics.

Inaasahan naman na lalago ang demand ng mga Canadian dahil ang mga kakulangan na ito ay manggagaling din sa Canada ang suplay.

Bagama’t ay maaapektuhan aniya ng kaunti ang revenue subalit mananatiling matatag ang oportunidad sa trabaho.