Dagupan City – Ibinahagi ni Calasiao SK federation president na hindi lamang ito nakatutok sa paliga at may nakahanda pang ibang proyekto sa kanilang bayan,

Ayon kay Calasiao SK Federation President Councilor Narayana RSI Das Mesina, nakatakda umanong maisakatuparan ang hindi lamang pagpapalawak ng paliga, kundi – ang karagdarang 10 iba pang aspeto gaya na lamang ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, livelihood at iba pa.

Kung saan, sa ilalim umano ng sunod-sunod na aprubadong annuwal budget ng SK sa 2025, layunin nilang mapagtagumpayan ang mga ito.

--Ads--

Samantala, kinakailangan naman ng kaunting revisions sa youth code ng bayan bilang pagtugon sa karapatan ng mga kabataan sa Calasiao, at pagiging aktibo ng mga ito, dahil isa kasi aniya sa kinakaharap ng mga ito ay ang pagiging inactive sa mga aktibidad.

Hinggil naman sa karagdagang taong termino para sa mga SK, sinabi ni Mesina na mayroon pa rin itong maganda at masamang epekto, depende umano sa pagpapatakbo ng mga kasalukuyanga administrasyon.