DAGUPAN CITY- Nagpapatuloy ang pagpapaigting ng seguridad at kampanya laban sa kriminalidad ng mga tauhan ng Calasiao Police Station matapos magsagawa ng checkpoint operation sa iba’t ibang barangay ng Calasiao.

Pinangunahan ni PLT Noel Domalanta ang operasyon bilang team leader sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Rodel Gabatin.

Layunin ng checkpoint na mapanatili ang kaayusan, mapigilan ang kriminalidad, at matiyak ang ligtas at mapayapang paglalakbay ng mga motorista at residente na dumaraan sa mga pangunahing kalsada ng bayan.

--Ads--

Nanawagan naman ang pulisya sa publiko na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na batas at regulasyon upang maging maayos ang daloy ng trapiko at mapanatili ang seguridad sa komunidad.

Bahagi ito ng kampanyang A.L.E.R.T.O. o Anti-Criminality, Law Enforcement, Responsive, at Transformative Organization ng Philippine National Police.