Dagupan City – Pormal nang binuksan ang bagong PNP standard building sa bayan ng Calasiao na inaasahang magbibigay ng mas maayos at episyenteng serbisyo sa publiko.

Ayon kay Plt. Col Ferdinand Lopez, Chief of Police ng Calasiao Police Station ang nasabing gusali ay itinayo alinsunod sa pamantayan para sa isang Class A municipality, kaya’t ito ay binubuo ng tatlong palapag na may sapat na pasilidad para sa operasyon ng kapulisan.

Inaasahan naman aniya na sa loob ng linggong ito ay tuluyan nang makalilipat ang mga tauhan ng PNP sa kanilang bagong opisina. Nauna na ring naisagawa ang blessing ng gusali bilang paghahanda sa opisyal na paglipat.

--Ads--

Ipinaabot din ni Lopez ang taos-pusong pasasalamat kay Calasiao Mayor Patrick Agustin Caramat sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kakayahan at pasilidad ng kapulisan sa bayan.