Dagupan City – Nakaantabay na ang Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa posibleng pagtaas ng tunig sa marusay river.
Ayon kay Kristine Joy Soriano, Local Disaster Risk Reduction Management Office III ng MDRRMO Calasiao, nagsasawa na ang kanilang tanggapan ng normal operation at patuloy pa rin ang kanilang paglilibot upang masuri ang mga brgy na kailangang linisin bunsod gaya ng mga natumbang puno.
Dagdag pa rito, patuloy din ang kanilang pakikipagtulungan sa mga brgy. officials at panawagan ng mga ito sa kanilang nasasakupan na huwag mag-atubiling ipagbigay alam sa kanila kung may mga natumbang puno sakanilang lugar upang malinisan ang anumang mga nakaharang sa daan.
Kaugany nito, nakahanda na ang mga evacuation centers sa posibleng paglikas ng mag residente bunsod ng nararanasang malalakas na hangin at pag-ulan.
Samantala, wala pang naireport patungkol naman sa pagbaha. Para sa kanilang flood water monitoring sa marusay river mula alas 7:30 ng umaga ay, nasa 2.2ft above normal level lamang, na malayo pa sa critical level.