Dagupan City – Humiling ng tulong sa mga eksperto ang LGU Calasiao sa mga eksperto na magkaroon ng kongkretong hakbang para matapos na o maibsan lamang ang nararanasang pagbaha sa kanilang bayan.
Ayon kay Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, kahit kasi walang mga pag-ulan o bagyo ay may mga pagkakataon na mataas ang tubig baha sa ilang mga barangay sa kanilang bayan.
Aniya, isa sa dahilan ang pagtaas ng level ng tubig sa Marusay river na ang tubig ay mula sa kabundukan ng Benguet patungo sa kanilang kailugan. Dito naiipon ang tubig at nagdudulot ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Kaya’t isa sa panawagan nito sa National government na mabigyan sulusyon ang matagal nilang problema sa pagbaha.
Sa ngayon kasi, mistulang hindi nagiging epektibo ang pagpapataas ng kalsada dahil matapos ang 10 taon ay bumabalik din sa dati at nalulubog muli sa baha.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa normal level na ang tubig sa lugar malayo na sa naitala noong nagdaang bagyong Enteng kung saan ay umabot pa sa Above normal level ang Marusay river.
Inihayag din ni Macanlalay na tumaas ang kaso ng dengue kaya’t muling nagpaalala sa publiko na ugaliing maglinis ng kapaligiran.