Patay ang isang Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos magpakamatay gamit ang ang kaniyang baril sa sariling nitong tahanan sa Sitio Mapita, Brgy Laoag, Aguilar Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang ang biktima na kinilalang si Aries Sengeo, 26 anyos ay galing sa inuman sa Sitio Aliling ng nasabing barangay kasama ang kanyang kapatid na si Alexander ngunit pag-uwi sa kanilang bahay ay biglang itinutok nito sa kanyang ulo kanyang dalang Caliber 22 at ito’y kinalabit.

Nakuha umano ng biktima ang baril sa kanyang bag na nakasabit sa loob ng kanilang sala at isinuksok sa kanyang kanyang tagiliran.

--Ads--

Isinugod naman ang biktima sa Lingayen District hospital at nailipat rin agad sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ngunit binawian rin ito ng buhay.