“Humble at low profile pagdating sa kanyang mga achievements”
Ito ang pagkakalarawan ng mga magulang ni cadet 1CL Krystlenn Ivany G. Quemado Class Valedictorian ng BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022 sa katangian ng kanilang anak sa buhay at sa pakikibaka nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).
Ayon kina Col. Nicolas at Dr. Loveleih Quemado, mga magulang ni Krystlenn bagaman bago pa ang tagumpay ng kanilang anak sa PMA, marami nang mga napagtagumpayan ang kanilang anak lalong lalo na sa leadership at academics ngunit ito ay nananatiling tahimik at hindi nagiging vocal sa mga ito pero malambing at sweet na anak naman ito sa kanila.
Kwento rin nila na consistent honor student at engaged na umano sa mga leadership programs at trainong ang kanilang anak na isa rin umano sa nakiha nitong pundasyon sa pagpasok sa naturang akademya.
Maliban pa rito, malambing din umano na anak si Krystlenn sa kanyang mga magulang.
Saad ni Col. Nicolas, na dati ring alumni ng PMA, na lagi niyang bilin sa kanyang anak ang mga priciples ng PMA na dapat sundin at i-abide ang system sa loob nito lalo na at ito ang aniyang mahirap minsang sundin kapag nasa nabanggit nang institusyon.
Samantala, plano naman ng kanilang maag-anak gayundin ang LGU mula sa South Cotabato, at maging ng paaralan noong Elementary at High School ni Krystlenn na magsagawa ng pagdiriwang sa tagumpay nito sa PMA.
Matatandaang si 1CL Quemado ay tatanggap ng Philippine Navy Saber at Jusmag Saber habang nakuha rin niya ang Australian Defence Best Overall Performance Award, Spanish Armed Forces Award, Agfo Award, Academic Group Award, Humanities Plaque, Management Plaque, Social Sciences Plaque, at Navy Professional Courses Plaque.
Siya rin ang ika-7 babae kadete na nag-top sa pangunahing military training institution sa bansa.