DAGUPAN CITY- Pagpapabalik sa trust and approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginawa nitong recalibration sa gabinete o cabinet revamp.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Edward Chico, Law Professor at Political Analyst, bahagi ito ng estratehiya ni Pangulong Marcos upang tugunan ang kamakailang napaulat na pagbaba ng kaniyang ratings.
Maliban pa riyan, makatitiyak rin siya na mapagkakatiwalaan niya ang mga miyembro ng kaniyang gabinete.
Bagaman marami pa rin ang nanatili sa gabinete nito matapos magsumite ang mga ito ng courtesy resignation, ginawa lamang ito ng pangulo sa pamamaraang katanggap-tanggap.
Bukod pa riyan, nakikita rin ni Atty. Chico na bahagi rin sa pagtugon sa mababang trust and approval ratings ang pagiging bukas nito sa ‘reconciliation’ sa Pamilyang Duterte.
Nagsimula kase ang pagbaba nito nang magsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon nilang dalawa ni Vice President Sara Duterte.
At kung mapagtatagumpayan ng pangulo ang pagtaas ng kaniyang ratings, mas pagkakatiwalaan pa siya ng senado.