Dagupan City – Nakatakdang buuin ang Cabinet Cluster on Education ng 10-year Integrated National Framework on Education Development Plan.
Ito ang kinumpirma ni Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Executive Director Karol Mark Yee.
Aniya, bagama’t maraming inter-agency committee ang tumutugon sa learning at administrative gap sa bansa, ay lumalabas na hindi pa rin magkakatugma ang kanilang mga programa.
Dahil dito, nais umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makabuo ng sistemang tututok sa pangkalahatang problema sa sistema at uri ng edukasyon sa bansa.
Lumalabas kasi sa isinagawang national learning recovery program, na ang mga mag-aaral na nasa learning camp ay mahina sa simple mathematics, gayong ang mga subject ng mga ito ay dapat buuin ng kinabibilangan ng geometry, algebra at iba pang math subjects.
Samantala, sa resulta naman ng pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA), kulelat ang mga Filipinong mag-aaral sa Mathematics at iba pang major subjects.