DAGUPAN CITY – “Sila ay kilalanin hindi lamang sa buwan ng Oktubre kundi bawat araw ay pahalagahan ang kanilang kasarinlan.”
Yan ang pagbabahagi ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Commissioner IV, Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng katutubong wika ngayong oktubre.
Aniya na isa sa kanilang mandato ang pangalagaan ang katutubong wika at mahalaga na ito ay ating kilalanin.
Kaugnay nito saad niya na marami pang mga unchartered na mga tribu sa bansa kung saan tinatayang nasa higit 200 pa ang mga ito.
Samantala, ibinahagi din niya na ang katutubo ay nangangahulugang ‘native’ ibig sabihin ito ay kung saan ka lumaki at hindi lamang nakabatay sa pananamit o itsura bagkus ito ay nakabatay rin sa pagkakaroon ng sariling sensibilidad, kultura at literasiya.
Ang pagiging katutubo ng mga tribu sa bansa ay pagiging mayaman sa tradisyon, kultura, pamahiin, gawi gayundin sa kanilang pagtuturo.
Bagama’t ay hindi sila exposed sa iba’t ibang kultura aniya ay marunong ang mga ito sa paggamit ng teknolohiya kung saan ay itunuturo ang mga ito sa mga kabataan.