Dagupan City – Matagumpay na isinagawa kamakailan sa Barangay Inmalog ang Busog-Lusog Program ng Lokal na bayan ng Sison.

Ang programa ay may layuning makapaghatid ng serbisyong makakatulong sa mga residente sa bawa’t barangay gaya na lamang sa kanilang nutrisyon, kagalingan at kalusugan kaya isa lamang ang Barangay Inmalog sa nahatiran nito.

Pinangunahan ang nasabing gawain ni Sison Mayor Danny C. Uy, kasama ang kanyang asawa, Consultant on Women and Children’s Affairs gayundin ang Sangguniang Bayan Members, mga boluntaryo, mga donor, BHW’s, KALIPI members, BSPO’s, at ang buong Barangay Council ng Inmalog.

--Ads--

Kaugnay nito na ang programa ay nagbibigay ng mahahalagang resources at nagbibigay-diin sa preventive healthcare.

Samantala, nagbahagi naman ng mga mensahe ang mga medical professionals na kasama tungkol sa kahalagahan ng pagkonsulta sa mga doktor bago uminom ng gamot at ang pangangailangan para sa regular na pagsusuri ng mata lalo na ang mga may edad na.

Dahil dito, nagpapakita ang tagumpay ng Busog-Lusog program sa nasabing barangay ng transformative na epekto ng mga community-driven initiatives dahil ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan at ng mga kasosyo ng programa ay nagbibigay ng pag-asa para sa isang mas malusog na kinabukasan para sa lahat ng mga residente sa bayan ng Sison. (Oliver Dacumos)