Muling bubuksan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan ngayong Enero 2026 ang Business One Stop Shop o BOSS, upang higit na mapabilis at mapagaan ang pagproseso ng mga kinakailangang dokumento ng mga negosyante.

Nilalayon ng muling pagbubukas ng BOSS na pagsama-samahin sa iisang lugar ang iba’t ibang tanggapan na may kinalaman sa business registration at renewal, kabilang ang pagkuha ng mga permit, clearance, at iba pang mahalagang requirements.

Inaasahang mababawasan ang oras ng pila at ang pabalik-balik ng mga aplikante sa magkakaibang opisina.

--Ads--

Hinihikayat ang lahat ng negosyante na magtungo nang mas maaga upang maiwasan ang dagsa ng tao at masigurong agad na mapoproseso ang kanilang transaksyon.

Mahigpit ding pinapaalalahanan ang publiko na suriing mabuti at ihanda nang kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento bago pumunta sa BOSS upang maiwasan ang abala at pagkaantala.

Sa pamamagitan ng serbisyong ito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mas episyente, maayos, at makataong paghahatid ng serbisyo para sa mga mamamayan at lokal na negosyante sa nasabing bayan.