Business as usual at regular working days ang naging pagdiriwang ng semana santa sa bansang Sri Lanka.
Ayon kay Modessa Ruiz - Bombo International News Correspondent mula sa South Korea, hindi ikinokonsidera na public holiday ang Holy Week sa kanilang bansa.
Nabatid na 8 percent lang ang population ng mga Kristiyano sa Korea.
Gayunman, nagcecelebrate pa rin ang mga Filipino Catholics doon ng Holy Week.
Dagdag pa niya na gaya sa Pilipinas ay may mga bundok doon na pinagdadausan ng station of the cross at noong bago ang pandemya ay nagtutungo sila sa mga tinaguriang pilgrimage site.
Samantala, Islamic Republic ang Afghanistan at walang mga Afghan christian doon kaya naman imbes na Holy week ang ipinagdiriwang nila ngayon doon ay ang Holy Month of Ramadan.
Ito ang ibinahagi ni Joel Tungal, Bombo International News Correspondent sa bansang Afghanistan.
Gayunman ay ipinagdiriwang pa rin ng mga Pinoy OFW ang semana santa.
Sa ngayon ay kakaunti lang silang naiwan sa Afghanistan matapos mag take over ang Taliban.
Dahil malayo sa isat isa ay natatawagan at nagkukumustahan na lamang umano sila.