Hinihiling ng mga Bus transportation companies sa lalawigan ng Pangasinan na tulungan silang umapela ng direkta sa National IATF sa kanilang kinakaharap na problema.
Ayon kay 4th district board member Agerico Ming Rosario, dagdag pasanin sa gastusin umano ng mga bus companies ang sistema na ibinaba at gustong ipatupad ng LTFRB .
Nabatid na December 20, 2020 ay nagrelease umano ng abiso ang LTFRB na magkaroon ng biyahe sa loob ng pandemya pero mayroong special permits na inisyu ng LtFRB alinsunod sa alintunuin ng national IATF.
Ito ay kasunod na rin ng mga napaulat na may mga vans na naniningil ng malaking halaga para lang makauwi o makapunta sa Manila.
Napag alaman na sa kanila naman ng special permits na inisyu sa mga bus company ay hindi pa rin sila makabiyahe dahil may mga guidelines na ibinaba ang LTFRB na alinsunod sa utos ng IATF.
Ang mga bus sa probinsya ay hindi rin makakatuloy ng deretso sa Manila at hanggang sa NLEX terminal lamang sila sa Bucaue.
Nabatid na may bayarin pa sa NLEX terminal kaya dagdag gastos at sa palagay nila ay hindi kikita ang kanilang kompanya.