Dagupan City – Binigyang diin ng Bureau of Plant Industry sa isinagawang aktibidad ng Department of Health sa Baguio kung sino dapat ang benepesyaryo sa “Gulayan sa Paaralan” program.

Ayon kay Dr. Jesus Aspuria, Chief ng Department of Agriculture-Bureau of Plant of Industry may nakikita na silang 10 barangay at mga paaralan na na-estbalish na at sa aksalukuyan ay napapakinabangan na rin.

Ngunit paglilinaw ni Dr. Aspuria na hindi lamang ito sa lungsod ng Baguio kundi mayroon din sa mga probinsya.

--Ads--

Dagdag pa nito, malaking tulong din ang pagkakaroon ng sapat na pondo at tulong upang masustain ang nasabing proyekto.

Sa susunod na taon, nakatakdang tutukan din ang iba pang sektor gaya ng urban garden, school garden, at iba pa.

Samantala, binigyang diin naman nito na ang mga nakukuhang gulay mula sa paaralan ay hindi dapa mga guro ang makinabang kundi ang mga mag-aaral, dahil maaring gamitin ang mga ito sa kasalukuyang feeding program ng pamahalaan.