DAGUPAN CITY- Nakataas sa red alert status ang buong rehiyon uno bilang paghahanda sa posibleng epekto ni tropical depression Kristine
Ayon kay Officer-In-Charge Ms. Carmelita A. Laverinto ng Office of Civil Defence Regional Office 1 na base sa kanilang monitoring ay tatamaan ang buong rehiyon uno ni tropical depression Kristine kaya naman itinaas ng tanggapan kaninang tanghali sa red alert status ang buong rehiyon upang mas paigting ang ginagawang paghahanda ng tanggapan sa mga nasasakupan nito.
Anya na nakipag-ugnayan na rin ito mga provincial government at s mga local government unit sa pagsasagawa ng cluster meeting upang kanilang mapaghandaan din ang epekto ng bagyo. Nakahanda naman ang kanilang tanggapan sa anumang sitwasyon.
Patuloy ang patutok ng Office of the Civil Defense sa maaaring maging epekto ng bagyong Kristine sa lalawigan.
Ayon kay Dr. Edgar Posadas, spokesperson ng naturang ahensya, inaasahan na magla-landfall sa bahagi ng Casiguran, Aurora at magiging severe tropical storm ito bukas.
Tutungo naman ito sa Mayuyay, Ifugao sa umaga ng huwebes at dadaan sa bahagi ng Bolinao bandang alas-8 ng gabi.
Sa araw naman ng biyernes ay dadaan ito sa Bacnutan, La Union at inaasahang lalabas rin sa bansa.
Kaya aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PAGASA, National Disaster Risk Reduction Management Office at sa mga regional agencies.
Samantala, ayon naman sa PAGASA, posibleng umabot hanggang sa Signal no.4 ang lakas ng bagyo lalo na kung malapit sa sentro ng bagyo.
Nagpaalala din ito ng sa storm surge na maaaring maranasan sa mga karagatan.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, maging alerto at maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na may banta ng panganib.