Nakaantabay na ang marami nating kababayan sa gaganapin na Miss Universe Grand Coronation Night, lalo na ang ilang pageant handlers na labis din ang suportang ibinibigay sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tessa Dioquino, isang local pageant handler mula sa bayan ng Calasiao, sa panahong ito umano dapat mas bigyang suporta si Rabiya.
Habang pasok naman sa kaniyang Top 5 candidates sina Ms. Mariángel Villasmil ng Venezuela, Ms. Ayu Maulida Putri ng Indonesia, Asya Branch ng USA, Amanda Obdam ng Thailand at siyempre ang kinatawan ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.
Sa kasabay na panayam ay ibinahagi naman ni Reagan Quilaton, isa ring local pageant handler mula sa naturang lugar ang kaniyang pagnanais na sana ay masungkit ng Pilipinas ang nasambit na titulo.
Matatandaang apat na Filipina na ang nakoronahan bilang Miss Universe at ito ay sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran-floirendo noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015 at Catriona Gray nito lamang 2018.
Samantala, napakagaling at hindi niya deserve ang bashing.
Ito naman ang naging reaksyon ni Jealyn Zunio , mula sa bayan ng Rosales at dating nanalong Miss Asia Pacific Princess First Runner up sa Thailand sa Ilongga beauty queen na si Rabiya Mateok na tatangkain ngayon makuha ang pabg limang korona sa Miss Universe para sa Pilipinas.
Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, giit ni Zunio na napakagaling ng kanyang performance at bigay talaga ang kayang effort para makuha ang korona.
Aminado naman siya na mahirap pagpilian ang mga mananalo sa pageant dahil pinaghandaan lahat ng participants.
Number 1 niyang paboritong manalo o makasama sa top 5, bukod kay Rabiya ay si Miss India, Miss Puerto Rico, Miss Thailand at Miss Canada.