Mga kabombo! Tanong lang, anong kulay ng mata ang gusto niyo?

Kaya niyo bang sumailalim sa surgery para lamang ma-achieve ang eye-color na gusto niyo?

Nako! Ito kasi ang nangyari sa isang Russian cosmetologist matapos niyang ipahayag na sumailalim siya sa isang procedure upang baguhin ang kulay ng kanyang mata habang buntis!

--Ads--

Ang kanyang layunin? Upang matiyak na ang kanyang magiging anak ay ipanganak na may asul na mata.

Ayon sa ulat, marami kasing procedure ang nagpapahintulot sa pagpapalit ng kulay ng mata, tulad ng laser treatment o corneal tattooing.

Ngunit ang babae ay naniniwala na ang pagbabagong ito sa kanyang mata ay maipapasa niya sa kanyang unborn child dahil ayon dito, “automatic na maaayos ang DNA ng kanyang baby”.

Sa isang podcast, ibinahagi niya ang kanyang “teorya” at desisyon.

Bagama’t walang overt reaction mula sa host, labis na kinutya at pinuna ng publiko ang kanyang pahayag.

Pabirong ikinumpara pa ng mga netizen ang kanyang kakatwang lohika sa iba pang di-makatotohanang ideya, tulad ng pagpapa-laser hair removal para maging hairless ang anak.