Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang imbistigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa bumigay na Balcony sa isang simbahan sa Bulacan na siyang dahilan ng pagkasawi ng 1 indibidwal at naitalang 52 sugatan.
Ayon kay Police Major Joel Alba, Deputy Chief of Police San Jose Del Monte, Bulacan kinilala ang isang nasawi na si Luneta Morales, 80-anyos residente ng barangay San Manuel, San Jose Del Monte kung saan ay lumalabas na heart-attack ang dahilan ng pagkasawi nito, habang nakauwi naman na ang naitalang sugatan.
Lumalabas kasi sa inisyal na imbistigasyon, na 1994 pa naitatag ang simbahankaya’t nasa tinatayang 30 taon na ang tanda nito. Aniya, isa sa nakikitang dahila ay ang taon ng pagkakatatag na siyang sanhi ng paghina na rin ng mga pundasyon ng simbahan.
Dahil na nangyaring insidente, nakatakdang bumisita ang kanilang hanay sa bawa’t simbahan sa kanilang nasasakupan, at nakikipag-ugnayan na rin ang mga ito sa iba’t ibang opisyal sa lalawigan upang hindi na maulit pa ang pangyayari.