Inilarawan ng karamihan na wala nang ligtas na lugar sa Tehran sa Iran.

Matapos ang tatlong araw ng pag-atake ng Israel, lahat ay pilit na tumatakas mula sa Tehran sa kahit anong paraan, ayon sa isang residente.

Noong Linggo, humaba ang pila sa mga gasolinahan sa buong lungsod.

--Ads--

Maraming tao ang nagtangkang lumikas papunta sa mga liblib na lugar, palayo sa mga posibleng target ng Israel, ngunit hindi man lang sila makalabas ng probinsya dahil sa matinding trapiko.

Anila, hindi ligtas ang Tehran at hindi nila malaman saan na pupunta?

Isang tao na nakalipat mula Tehran papunta sa ibang probinsya ang nagsabi na hindi niya lubusang natatanggap na nasa isang aktibong war zone na siya, at hindi alam kung kailan niya matatanggap ang katotohanang iyon.