Malaking tulong ang programang Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines lalo na sa mga pasyenteng nasa kritikal na kalagayan.
Ayon kay Nilo Palma – Dugong Bombo Blood Recipient marahil napakahirap na kumuha o bumili ng dugo sa mga blood banks sa hospital kadalasan ay hindi nakakakuha kung walang donor.
Aniya na dahil sa programang ito ay dalawang buhay ang nadugtungan kung saan ibinahagi nito na noong kasagsagan ng Covid19 at may isang cancer patient na nangailangan ng dugo ay idinulog niya ito sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan.
Sa tulong naman ng dugong bombo ay may isang empleyadong nagvolunteer na magdonate ng dugo at sa awa ng diyos ay nailigtas ang pasyente.
Habang ang isa pa naman na ooperahan ang kaniyang kidney stone ay muling inilapit sa himpilan dahil matapos nilang magtungo sa blood bank ng hospital kung saan nakaconfine ang pasyente ay wala na ring available.
Mabuti na lamang at natulungan ulit ang pasyente at yan ay sa pamamagitan ng dugong bombo.
Laking pasasalamat ni Palma na nandoon talaga ang effort ng Bombo Radyo sa paghahanap ng dugo na match sa pasyente at aniya ang moral at social responsibility ng himpilan ay hindi nagbabago.
Dagdag pa niya na ang programang ito ay napakaganda kaya hangga’t maaari ay ituloy tuloy lang upang mas marami pang buhay ang madugtungan.