Tumaas ang budget deficit ng bansa sa P1.58 trillion noong nakaraang taon.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), nalampasan nito ang P1.561-trillion deficit ceiling na itinakda ng Development Budget Coordination Committee para sa 2025.

Mas mataas naman ang shortfall ng 4.68 percent kumpara sa P1.51 trillion noong 2024 ay katumbas ng 5.63 percent ng gross domestic product (GDP), bumaba mula 5.70 percent sa naunang taon.

--Ads--

Gayunman, ang koleksiyon ay mas mataas sa P4.42 trillion noong 2024.

Karamihan o P4.077 trillion ay kinabibilangan ng tax revenues, bahagyang mas mababa sa P4.213-trillion target subalit mas mataas sa P3.8 trillion noong 2024.

Samantala, ang nontax collections ay mas mataas sa nakaprogramang P306.5 billion sa P376.3 billion. Gayunman, mas mababa ito ng 39.5 percent kumpara sa P618.3 billion na naitala noong 2024.

Nagdulot ng pagbaba ng revenue effort ang kawalan ng mga windfall na kita ay na isang sukatan ng kahusayan ng pamahalaan sa pangongolekta sa 15.9 percent mula 16.72 percent.

Gayunpaman, ang tax effort na aktuwal na koleksiyon kumpara sa maaaring kitain ay bahagyang tumaas sa 14.55 percent mula 14.38 percent.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakakolekta ng kabuuang P3.12 trillion, kapos sa P3.22-trillion target subalit nalampasan ang P2.85 trillion na naitala noong 2024.