Dagupan City – Planong ibukas sa lalawigan ng Pangasinan ang BUCAS Center Program ng Department of Health Modernization for Health Equity.

Ayon kay Dr. Paula Paz Sydiongco, Regional Director ng DOH 1, isa ito sa pinagplaplanuhan ng kanilang departamento kung saan ay kinakailangan na lang nila ng sapat na oras upang pag-aralan kung kailan at saan ito ipapatayo.

Ang initial target naman ng DOH ay isa lamang sana para sa buong rehiyon, ngunit sa kasalukuyan ay mayroon ng naunang functional na dalawa sa bahagi ng Banna, Ilocos Norte at Tubao, La Union na pinangungunahan ng Mariano Marcos Memorial Hospital at ITRMC.

--Ads--

Ayon kay Dr. Sydiongco, target nilang matapos ito ngayong taon sa lahat ng probinsya sa Region 1.

Ang BUCAS Center ay bahagi ng DOH Modernization for Health Equity ni DOH Secretary Teodoro Herbosa at “28 for 28 by 28” na inisyatiba para tumulong sa pagtupad ng kanyang 8-Point Action Agenda for Health; na nagta-target sa pagtatatag ng hindi bababa sa 28 BUCAS Centers upang pagsilbihan ang 28 milyong Pilipino na higit na nangangailangan ng accessible at de-kalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa 2028.