Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona, Jr. na nakatakdang bawasan sa bansa ang reserve requirement ratio (RRR) para sa mga bangko ngayong taon.
Ayon kay Remolona, target umano ng BSP ang “substantial” reduction ngayong 2024.
Kung saan ang RRR ang nagtatakda ng halaga ng pondo na kailangang hawakan na reserba ng financial institutions, tulad ng commercial banks, laban sa kanilang deposit liabilities.
Una nang ipinahiwatig ng BSP na ibababa ang RRR sa 5% mula 9.5% para sa universal at commercial banks para mapalakas ang liquidity sa banking system at mapalalim ang financial markets ng bansa.
Ibinaba naman ng BSP ang RRR para sa universal at commercial banks sa 9.5 percent noong June 2023 na siyang huling naging paggalaw ng BSP.
Kaugnay nito, binigyang-diin din ni BSP Assistant Governor Zeno Abenoja ang potential economic benefits ng pagbababa ng reserve requirement ratio.