Ihihinto na ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng aktibidad at paghahanda para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sana sa November 2, 2026, matapos maisabatas ang pagpapaliban nito sa 2028.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kasama sa mga kakanselahin ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) na nakatakda sanang magsimula sa Lunes, September 28, hanggang October 5. Dagdag pa rito, mawawala na rin ang mga paghihigpit sa paggastos para sa social services at public works dahil sa pag-alis ng election period.
Samantala, umabot na sa Php 8B ang nagastos ng COMELEC para sa paghahanda sa naturang halalan. Gayunman, tiniyak ni Garcia na hindi masasayang ang mga nagastos na pondo.
Sa ilalim ng bagong batas, sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 na gaganapin ang susunod na BSKE.










