BOMBO DAGUPAN – “Worth the wait!”, syempre ito lamang ang nabanggit ng award-winning actress at news anchor na si Kaladkaren matapos muling mag-propose sa kanya ang British fiancé niyang si Luke Wrightson sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London, England.

Si Kaladkaren o Jervi Li sa totoong buhay, ay isang trans woman na nakilala dahil sa kanyang pag-i-impersonate sa broadcaster na si Karen Davila habang si Luke naman ay isang merchant sailor na nakabase sa United Kingdom.

Matatandaan na na-engage sila noong September 2020 at muling pinatunayan ni Luke ang tapat niyang pagmamahal kay Kaladkaren nang muli siyang lumuhod sa harap nito at muling hingin ang kamay ng TV and movie personality.

--Ads--

Sa isang post ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.

Kuwento ni Kaladkaren, maging siya ay nagulat nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Luke hawak-hawak ang bagong engagement ring.