Agaw pansin ngayon ang video ng isang kulay bright green pigeon sa Northampton, England.
Nakita ang kakaibang kalapati sa harapan ng All Saints Church, kasa-kasama ng ibon ang ilang kalapati.
Maraming netizens ang nakakuha ng video ng pigeon, at ini-upload sa iba’t ibang social media platforms.
Ang Northampton ay hindi naman talaga pinupuntahan ng mga turista pero dumami ang turistang bumibisita sa kanilang area para lang makita ang bright green pigeon.
Matapos namang mag-viral sa social media ang videos and photos, may mga nagkomentong baka naman ginawa ito gamit ang artificial intelligence.
Puwede rin umanong niretoke lang ang kulay gamit ang computer apps.
Pero may mga taga-media na sinadyang puntahan ang ibon para mapatunayang nag-i-exist ito.
Marami naman ang nagpatotoo sa bright green pigeon at aktuwal itong nakunan ng mga taga-media ng larawan at video.
↓
Bago pa man ang balita tungkol sa bright green pigeon, nauna nang nagbabala ang Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals (RSPCA) laban sa trend na kinukulayan ang balahibo ng pigeon’s ng blue o kaya ay pink kapag may gender-reveal parties.
Ang RSPCA ay isang charity organization sa England at Wales na nangangalaga para sa kapakanan ng animals sa United Kingdom.
Samantala, ayon sa tagapagsalita ng RSPCA, ang pagti-trending ng bright green pigeon sa social media ay may potential harm sa ibon.
Pinangangambahan na baka dumami raw kasi ang mag-dye ng mga feathers.