Dagupan City – Mga kabombo! Kung maaalis ka sa trabaho, kailan mo gusto at bakit?
Tila ba hindi pangkaraniwan kasi ang wedding gift sa isang empleyado.

Dahil, inalis siya sa trabaho sa isang pagkakataong saya at galak ang inaasahan kaniyang inaasahan.
Sa araw kasi ng kaniyang kasal, nakatanggap ng notice na tanggal ang bride sa kaniyang trabaho.

Ayon sa bride na kinilalang si Amanda, mula sa United Kingdom, makalipas kasi ng kalahating oras matapos niyang ikasal sa mister, at habang nasa gitna sila ng kasayahan ng wedding reception, nakatanggap siya ng message sa kaniyang social media platform.

--Ads--

Ito ay mula sa kanyang boss at ang mensahe dito: Tanggal na siya sa trabaho.
Dahil dito, na-shock umano ito sa nakahahambal na desisyon ng boss.

Paglilinaw pa niya, hindi siya kailanman binigyan ng pahiwatig ng kumpanya na hindi maganda ang kanyang performance.
Kung mayroon man aniyang konting reklamo sa kanya ang management, iyon ay dahil mabagal siyang mag-reply sa email. Pero pagdating sa trabaho, okay raw ang management sa kanya.

Binanggit din niya na nag-file na siya ng bakasyon dahil nga magpapakasal siya.
Duda naman si Amanda na posibleng dahilan kung bakit siya tinanggal ay dahil mas preferred ng kumpanya ang mga single employees.