DAGUPAN CITY–Mahigpit na binabantayan ngayong ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Bayambang, ang Brgy. San Vicente dahil sa umanoy kaso ng Japanese Encephalitis na naitala doon.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni MHO Chief Dra. Paz Vallo, matapos nilang malaman ang tungkol sa sinapit ng biktimang si Jazmin Prestoza, ay agad silang nagtungo sa tahanan nito upang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay kaniyang pagkamatay.

Doon aniya sinabi ng guardian nito na noong una ay inakalang dengue ang dumapo dito subalit kinalaunan ay natukoy na Japanese Encephalitis na.

--Ads--

Dahil dito nagtungo aniya silang muli sa Provincial Health Office (PHO), lumalabas na ang ikinamatay ng biktima ay acquired infection at ang iba pang dahilan ay Japanese Encephalitis.

Samantala, dahil dito ay nagtakda aniya sila ng isang lecture upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga residente ng naturang barangay na maiwasan na ang naturang kaso ng nakamamatay na sakit na nakukuha din mula sa kagat ng lamok.