Nagbigti ang isang Barangay Kagawad ng Barangay Tococ Barikir sa bayan ng Mangatarem Pangasinan matapos masangkot sa kaso ng panggagahasa.

Ayon kay PMaj. Aurelio Manantan, ang hepe ng Mangatarem PNP, nakatanggap ng tawag ang kanilang himpilan mula sa kapatid ng biktimang si Florante Fortin Jr., at sa kanilang pag-responde ay kanilang napag alaman na nagpakamatay ang naturang barangay kagawad sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang tali ng kambing sa kabilang barangay kung saan naroroon ang kanilang sakahin.

Ayon din sa hepe nagkaroon na rin ng kaso noon ang biktima kung saan siya ay nakulong sa pagpatay ngunit na-dismiss rin ito dahil hindi na interesadong magfile ng demanda ang ina ng biktima.

--Ads--
PMaj. Aurelio Manantan, Chief of Police- Mangatarem PNP

Tinitignang personal na problema ang dahilan nang pagbibigti ng barangay kagawad dahil may kinakaharap itong kasong panggagahasa at sinasabi nitong siya ang nagbibigay kahihiyan sa kanilang pamilya.

Na-recover din ng kapulisan ang isang suicide video kung saan nagpapaalam ito at hinahabilin ang kaniyang anak.

PMaj. Aurelio Manantan, Chief of Police- Mangatarem PNP

Nagpaalala naman ang opisyal na kasalanan ang kitilin ang sariling buhay at lahat ng problema ay may solusyon kaya’t hinihikayat nito ang mga kaniyang mga kababayan na huwag idaan sa pagpapatiwakal ang pinagdadaanang mga problema.