DAGUPAN CITY—Pagiging aktibo kontra iligal na droga ang tinitingnang motibo sa pagpaslang kay Calaocan Punong Barangay Rolando Mejia sa bayan ng San Nicolas dito sa Pangasinan.

Ayon kay San Nicolas Chief of Police Senior Inspector Arnold Soriano, sakay ng kanyang motorsiklo ang barangay kapitan at may kausap sa kanyang cellphone nang barilin ito ng suspek sakay din ng isang motorsiklo.

Tinamaan sa dibdib ang biktima subalit binalikan ito ng suspek at dalawang beses binaril sa ulo.

--Ads--

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay din habang tatlong basyo ng kalibre .45 na baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.