Ngayong pormal nang dineklara ng PAGASA ang tag-ulan ay inaasahan ang mga posibleng pagbaha sa ilang bahagi at lugar ng bansa particular na dito sa lunsgod ng Dagupan. Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan sa pamamgitan ng municipal/city disaster risk reduction management offices at mga barangay officials ay nakahanda na anumang oras para sa tag-ulan.

Ayon kay Bolosan Brgy. Captain Nancy Morris na ipinagpapasalamat nila na isa ang kanilang barangay sa hindi nakakaranas ng pagbaha sa tuwing may high tide o di kaya ay malalakas na pagbuhos ng ulan. Kung mayroon man anya ito naman bahagya lamang sa mga nakatira malapit sa kailugan.

Nakahanda at nakaantabay naman sila sa kanilang nasasakupan. Sa ngayon din anya ay nagtutungo na ang mga barangay ealth workers o bhw sa bawat tahanan upang magbahagi ng mga gamot kontra leptospirosis at iba pang mga sakit na nakukuha sa tag-ulan gaya na lamang din ng dengue kaya naman kasabay nito ay ang monitoring sa mga mamamayan ng brgy.

--Ads--

Nakaantabay din naman ang kanilang evacuation center at mga kakagamitan sa oras na kinakailangan ng tulong para sa kanilang kuminidad.

Ang barangay bolosan ay binubuo ng pitong sitio at mahigit apatnalibo ang residente na nakatira.

Pagpapaalala naman nito sa kanyang mga nasasakupan ang dobleng pag-iingat, paghahanda at pagiging alerto ngayong panahon ng tag-ulan dahil sa mga bagyo na posible ring maranasan. Gayundin ang pag-iingat para sa kanilang kalusugan.