Dagupan City – Nagtipon-tipon ang ilang mga Brgy. Officials sa bayan ng Sta. Barbara upang makiisa sa isinagawang Barangay Assembly na parte ng kanilang ikalawang semestre.
Ito ay kinabibilangan ng Brgy. Sonquil, Brgy. Maticmatic, at Brgy. Tebag West.
Dinaluhan naman ito ni Raymondo Santos, Head of Office sa kanilang aktibidad na may temang “Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas”.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mamamayan sa barangay hindi lamang ang mga opisyales kaugnay sa mga serbisyong kanilang ibinabahagi at mga programang inihahatid ng Lokal na Pamahalaan ng bayan.
Hinihikayat nito ang mga residente na makilahok sa mga talakayan at desisyon na nakakaapekto sa kanilang komunidad.
Nagbigay din ang mga ito ng pagkakataon sa mga mamamayan na ipahayag ang kanilang mga saloobin, reklamo, at suhestiyon tungkol sa mga isyu sa barangay.
Sa pamamagitan naman ng barangay assembly, nagiging mas aktibo ang mga mamamayan sa pagbuo ng kanilang komunidad at pagtutulungan sa mga lokal na isyu.