Kilala ang buwan ng Octobre bilang Breast Cancer Awareness Month upang ipalaganap ang mataas na kamalayan tungkol sa sakit para mabawasan ang bilang ng mga nasasawi dahil isa ito sa mga dahilan ng pagkakasawi ng ilang indibidwal lalo na sa mga kababaihan .
Kamakailan ay naghandog ng lecture breast screening at mamogram ang City Health Office para ipakalat ang mga kaalaman at matulungan ang mga kababaiha sa lungsod sa maagang pagdetect ng nasabing sakit.
Isa si Dolores Biadan na mula sa Barangay Bolosan sa lungsod ng Dagupan kasama ang kanyang dalawang anak na babae mula sa halos 100 nakiisa sa gawain.
Ibinahagi nito ang kanyang pinagdadaanang laban dahil sa sakit na Breast Cancer at ang kahalagahan ng maagang pagpapakonsulta.
Aniya na nais nitong malaman kung mayroon pang cancer cell ang kanyang katawan dahil ito ay kasalukuyang lumalaban sa Stage 2B Breast Cancer.
Naoperahan na din ito sa kanyang kabilang suso na apektado ng cancer noon pang 2017.
Saad niya na noong nalaman nitong mayroon siyang sakit ay parang nawalan ba siya ng pag-asa at inakalang mamamatay na siya.
Ngunit dahil sa suporta ng kanyang pamilya ay lumalaban parin ito hanggang ngayon at binibigyang prayoridad nito ang kanyang kalusugan maging ang kanyang mga anak dahil baka maipamana nito.
Namana kasi niya ito sa kanyang kamag-anak na may breast cancer din lalo na sa kanyang pinsan kaya mabuti na lamang umano na maaga itong nagpakonsulta.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 7 taon na siyang lumalaban sa sakit at kahit hindi aniya ito nagpachemotheraphy ay nakikita niyang umaayos ang kalagayan nito dahil sa mga gamot iniinom nito na nereresita ng doktor.
Paalala nito sa kapwa nito kababaihan na kung may nararamdaman na sa katawan lalo na sa mga kababaihan ay agad nagpakonsulta at huwag matakot dahil kapag maagang nalaman ay maagang malulunasan.










